Kandidato na naman sya ngayon bilang mayor at gusto pang i-extend ang masyado nang nakakasukang tagal ng kanyang political dynasty na umabot na sa 25 years!
Mula noong 1988, hindi na nya binitawan ang city hall. Kapag tapos na ang termino nya ay ayung anak naman nya ang pinatakbo at nung 2010 ay ang kanyang asawang si Vilma Abaya-Dimacuha.
Ang kapal din naman ng pagmumukha ng pamilyang ito. Hindi pa nakuntento sa pera ng Batangas city na kanilang kinukurakot, pati naman ang mga negosyo dito ay binibiktima din nila.
Kung namimili kayo sa Bay City Mall, dapat man lang ay mas mababa ng kahit 50% ang presyo ng mga bilihin, tutal, ito naman ay nakatayo sa lupang pag-aari ng city government. Dapat din ay mababa ang presyo ng pagkain sa Max restaurant dyan sa Bay Mall dahil pera ng bayan ang ginamit doon.
Si EBD na kung tawagin din ay M1 ay syang tunay na may-ari ng Bay Mall dahil ang dummy owner na si Aboy Go ng Citi Mart ay pumayag sa scheme na ito for protection na rin, at mas murang renta.
Dito sa Bay Mall na ito luging-lugi ang taumbayan.
Ang upa ng Bay Mall sa City Government dahil gobyerno ang may-ari ng lupang kitatatayuan nito ay umaabot lamang sa P50 per square meter!
P50 per square meter ang upa ng Bay Mall lupang 5,000 square meters na prime property, nasa kalagitnaan ng bayan!!!
Samantalang ang going rate sa mismong lugar na iyon ay umaabot sa P40,000 per square meter!!!
Bale P 200,000,000 ang dapat na kinikita ng city government mula sa Bay Mall na yan kada buwan.
Mula pa noong 2004 kung kailan nagsimula ng operation ang Bay Mall,dapat ay kumita na ang Batangas City government sa Bay Mall ng P 21,600,000,000 o tumataginting na P21.6 Billion.
Pero hindi ganoon ang kinikita ng city government kundi P50 lang per square meter sa nakaraang syam na taon o umaabot lang sa P27,000,000.
Ang layo yata ng P21.6 Billion sa P27 Million ano?
Kung sa malayong SM City Batangas nga na nasa Pallocan West ay P15,000 per square meter ang going rate, bakit yung mismong nasa bayan ay P50 lang per square meter.
Kahit naman ang pagtatayo ng SM City Batangas ay isa pa ring dumaan sa butas ng mala-kulambong net na salaan ng mga bulsa ni EBD
Noon pa dapat 2001 magtatayo ng SM City Batangas pero dahil humihingi ng suhol money si EBD kay Henry Sy ng P50 Million, hindi na tumuloy ang SM dahil hanggang P20 Million lang ang kayang ibigay ng SM.
Ayaw kasi ni EBD na pumasok ang SM sa Batangas City dahil kompetensya ito ng kanyang Bay City Mall.
At dahil pangalan na ng mga Pastor ang nakataya, si Tonying Pastor na lang ang nagdagdag ng P30 Million para lang matuloy ang SM Batangas city dito sa Batangas City.
Kaya't noong 2004, tatlong taon matapos ang mahabang diskusyon ukol sa kotong money ni EBD, ay natapos na rin at nagbukas na ang SM City Batangas.
Kasama sa usapang matino ay hindi dapat papasukin ang Robinson dito sa Batangas City. Pero kelan ba naman nagkaroon ng matinong usapang kapag pera ang nakataya kay EBD?
Noon pang 2011, alam na ng mga Dimacuha na galit na galit na sa kanila ang taumbayan at naghihintay na lang ng election para sila patalsikin sa city hall.
At dahil alam na ng mga Dimacuha Political Dynasty na sukang-suka na sa kanila ang mga tao, nagsigurado na sa Robinsons Supermarket sa P. Burgos.
Bago pa man iyon ay nagpilit na silang magkaroon ng Robinsons Batangas City na doon sana sa Diversion Road itatatayo. Pero dahil in the middle of nowhere, kailangan ma-prove nina RD Dimacuha, anak ni Batangas city mayor Vilma A. Dimacuha na syang tumatayong fake mayor at si Marvey Marino na talagang pupuntahan ng mga tao ang Robinsons Batangas City sa Diversion.
Dito na nila plinano ang Grand Terminal na siyang nagsimula ng kalokohang routing scheme dito sa Batangas city na tinarget din ang rota ng Balagtas para mabawasan ang mga pasahero ng mga jeep na byaheng Balagtas.
Bale two birds in one stone, kikita na sina RD at Marvey Marino kapag binili ng Robinsons ang mga lupa sa diversion road, mapipigil pa nila ang noon ay nagiging commercial area na barangay ng Balagtas.
Ngunit dahil sa maraming issues dito, hindi rin natuloy ang proyektong mall at maintain na lang nila ang grand terminal para lang huwag mapahiya. Tutal malaki pa rin naman ang kita nina Marvey at RD sa mga pwesto ng grand terminal
Kumukubra lang naman sina RD at Marvey sa Grand Terminal ng hindi bababa sa P1.7 million kada buwan dahil sa P140,000 pala ang ibinabayad sa kanya ng bawat bus company na pwersadong doon magterminal.
At dahil masyadong nafrustrate ang Dimacuha Political Dynasty sa na walang Robinsons Mall, as in ginto na sana, naging bato pa, eh di kutsaba ulit si Aboy Go ng Citi Mart para magtayo ng Robinsons Supermarket along P. Burgos.
At dummy owner na naman sina Aboy ni EBD. Kaya't itinayo ang Robinson's Supermarket na hindi na nakatayo sa lupa ng gobyerno at plano ng mga Dimacuha na pagkatapos ng election at sila'y natalo, babawiin na nila ang lahat ng kanilang negosyong Citi Mart, Bay Mall, at Robinson's Supermarket kay Aboy Go.
Aba nga naman, katagal nang niloloko ni Aboy ang mga tao eh dapat Dimacuha naman ang pumalit sa panloloko.
Dito pa lang ay kita na natin kung gaano naging ka-paranoid na ang mga Dimacuha. Kung tatanggap kayo ng perang galing sa kanila, iyon ay dapat lang, dahil pera ng bayan yun na kanilang kinurakot.
Tanggapina ng pera, pero huwag iboto ang mga Dimacuha! Sobra na nilang ginahasa ang Batangas City! Panahon na para putulin ang kanilang kasibaan!
Araw natin sa Mayo 13! Patunayan nating tayo ay gising na at hindi na papayag na muling maloko ng mga Dimacuha!