Monday, November 12, 2012

KALABOSO SINA MAYORA AT BAKLA!





Sa Wakas!!!  Nagfile na ng demandang graft and corruption sina Vice Mayor Joe Tolentino laban kina Batangas city Mayora Vilma Abaya- Dimacuha at executive secretary na anak nitong si RD Dimacuha ukol sa maanomalyang “discount” ng KIELCO power plant na P9.9 BILLION (as in billion pesos ha!)  na pinayagan at pinagpilitan ng mag-inag Dimacuha na P990 million lang ang ibabayad sa Batangas City.

Kasamang nagfile ni Vice Mayor ang mga konsehal na lumaban sa desisyong ito ng mayora at anak na bakla.  Kalaboso na ngayon si mayora at RD, pati na rin ang mga konsehal na pumayag sa maanomalyang deal.

Aba nga naman! Saan ka ga nga naman nakakita ng discount sa business tax na 90% percent discount?   Sa tanang buhay ko, isama na pati nung lalaki pa ko at naging bading, ngayon lang ako nakarinig ng 90 percent na discount! 

Sa total na P9.9 Billion, pinag-abogadohan pa ni RD at pinilit na dapat ay P990 million o 10 % lang ang babayaran ng KIELCO sa Batangas City.  Sobra namang talo ang mamamayan dyan sa padaleng yan ni RD!

At kwidaw!  Pinagmamalaki pa ni RD na kaklase daw nya sa law school ang abogado ng KEILCO kaya naayos ang bayaran.


Ang balita dine sa city hall ay tumanggap din si RD at ang “klasmeyt” ng di hihigit sa P50 million mula sa maanomalyang cash-sunduan, kaya sila lang ang masaya!

Ano ba yan RD? Ang laki na ng kinikita nyo ni Konsehal Marvey Marino, your bayaw (bayawak) sa Grand Terminal, pati ba naman perang dapat ay sa taumbayan ay kinuha mo pa? Kaya ka siguro pataba ng pataba, kasi sobra kang masiba!
 
Pero short lived din ang saya nila kasi bistado na sila ngayon at may demanda pa.  Pag ganitong demanda, maaaring ma-suspend sila pending investigation at pag nahuling guilty nga eh, super bye-bye na tayo sa 24 year old political dynasty.

At kahit pa si Ex-mayor Eddie B. Dimacuha ang patakbuhin for mayor, kahit kita naman ng lahat na hagya nang makalakad at di  na makatagal sa aircon, eh wala pa ring maaawa dahil sa laki ng perang nawala sa taumbayan sa ginawang kalokohan ng kanyang mag-ina!

 Ang masakit pa dito, bakit yung mga tindera sa palengke, pag di nakabayad ng halagang P15,000 na fee sa pwesto ay automatic sarado ang tindahan samantalang itong KIELCO ay pinatawad ang buwis na halagang P8.91 Billion?  

Yang political dynasty na yan, magaling lang mang-api ng maliliit na negosyante, pag malalaki na kumpanya ang may bilyon-bilyong utang ay pinag-aabogaduhan pa at dinidipensa.

Sana naman ay magising na ang mga taga-Batangas city at burahin na ang political dynasty na matagal nang nagpapahirap sa mga tao.

Imagine, P8.91 Billion ang nawalang pera sa kaban ng bayan! At yun ay padiscount ng mga Dimacuha sa KIELCO!  

Sa demandang ito nina vice mayor, siguradong ang mga Dimacuha ang punong kalaboso!

3 comments:

  1. OMG! discount na bilyones! Only in Batangas City! Sa
    lumunf palengke nga ang hirap maka-discount!.

    ReplyDelete
  2. Ang mga pilipinong taong gobyerno sa pinas kung mangulimbat ay WAGAS!

    ReplyDelete