Wala man ang mga bakang dating nanginginain ng mga damo sa dating parang na ngayon ay ng Grand Terminal na sa Diversion Road, Batangas City, may mas
kawawa namang baka ang ngayon ay ginagatasan dun.
FYI sa mga Batanguenos, hindi po kumikita sina Dr. Ariola at
mga kapatid nya na owners ng property na ngayon ay kinaroroonan ng grand terminal doon sa lupain nila.
Mula ng itayo ang Grand Terminal nay un, kumukubra na si RD,
ang anak ni Batangas City Mayor Vilma Abaya Dimacuha (VAD) ng estimated P1.7
million a month dahil sa P140,000 pala ang ibinabayad sa kanya ng bawat bus
company na pwersadong doon magterminal.
Bukod pa ito sa upa ng mga maliliit na tindahan na ang
pinakamaliit ay P3,000 kada buwan ang bayad kay RD.
Imagine, kahit pala ang kaliit-liitang pwesto ng tindahan na
isang dipa lamang ang liit ay P3,000 kada buwan ang bayad? Pati yung maliliit na negosyo, di pinatawad sa kotongan!
Eh ang tanong, napupunta ga sa kaban ng bayan ang kita ng
Grand Terminal? Obvious ba na sa bulsa lang yun ni RD napupunta? Kaya pala laging mukhang busog. Pagtagal-tagal pa magmukha na rin syang cow. Kasi sobrang mata-cow!